Monday, July 7, 2008

MRT & Me

I am one of those “millions” who patronize the famous Manila Metro Rail Transit System, popularly known as MRT, Metrostar Express, or Metrostar. It is considered as part of the metropolitan rail system in the Metro Manila area of the Philippines, the Strong Republic Transit System (SRTS).

For about six months of riding with the MRT, I have so many experiences from which I considered memorable. The MRT ride can be describe in many ways, mixture of different kind of emotions/feelings. It is something, I undoubtedly can say, that will thoroughly test your “patience!” If you want to know why, then TRY IT!!!

However, I am not imposing that it is a nightmare-like experience, because I find it not like that. If you come to an MRT ride, it is your choice. And if you don’t want to come close with different people, with your bodies intimately leaning together, with your clothes like tearing, with your slippers left on the stairs, with the mud that surrounds the main entrance, with the smell that lingers on your nose, etc. then choose to have the very long trip along Edsa. With that disgusting traffic, I can proudly say I’d still love MRT.

Nonetheless, as you opt to ride an MRT, be ready on the challenges you are to face. Have a good breathe as you walk through the entrance.

Magtagalog tayo para mas masaya! Sino ba naman ang hindi panghihinaan ng loob kapag nakita ang dami ng tao sa harap ng MRT North Edsa Station, lalung lalo na twing Lunes ng umaga! Animo’y may artistang pinagkakaguluhan, o may bigas na pinamimigay… Inaabot nito ang mahigit sa kalahati, na kung minsan ay umaabot pa hanggang ¾ ng kalye sa dami ng taong nagnanais sumakay sa MRT. Nakakatuwa ‘di ba?! Pero kung walang benepisyong dulot ito, bakit dagsa ang tao rito? Isang tanong na maaaring itanung nyo sa inyong sarili, lalo na sa mga taong laging sumisigaw, na feeling mayayaman na ayaw madikitan sa loob at labas ng train habang paakyat ng hagdan.

Tibay ng tuhod ang kailangan para malagpasan mo ang pagdurusa kasama ang tala-talaksang taong nakikipagsapalarang sumakay ng MRT. Bawal ang maselan, ika nga. Kung nag-iinarte ka, huwag mo ng tangkaing sumakay ng MRT kundi baka ilaglag ka lang pababa sa labas ng estasyon.

Iba’t ibang uri ng tao ang sumasakay ng MRT, may mabango, may mabaho, may amoy putok, may amoy pawis, may nakapustura, merun din naming hindi. Ngunit sa kabila nito, nagsasama-sama pa rin sila para sumakay ng MRT. Pinipiling magkahalubilo, sa kabila ng pagkakaiba ng katayuan sa buhay.

Minsan hindi ko alam kung nahihipuan na ba ako. Pero sino ba naman ako para magselan?! Naiisip ko na lang, hamo na sila basta wag lang garapalan. Hahaha! Kala mo naman e kung ano ang mahihipo.

Kung hindi ka madiskarte, hindi ka makakaakyat ng MRT, lalo na’t kung babae ka. Ilagay mo ang bag mo sa harap at sumiksik ka. Kunwari na lang may tumutulak sa’yo sa likod kaya naitutulak mo ‘yung nasa harap mo. Kapag humarap sa iyo, umarte ka na lang na parang hirap na hirap at medyo naiinis sa kunwari’y tumutulak sa likod mo. Umarte ka na parang nakakaawa para di ka nila awayin! Hindi ka naman manloloko e, WISE lang!

Sa pag-akyat ng hagdan, dapat lagi kang nasa right side. Tip: Mabagal umusad ung nasa kaliwang bahagi ng hagdan. At bilisan mo ang pag-akyat kasi baka abutan ka ng famous “STOP ENTRY!” Saya saya lang kapag naabutan ka, isipin mo yun, hindi kayo kikilos. Sarap sa pakiramdam, hindi ka makahinga, ni hindi man lang maikilos ang kamay o maigalaw ang ulo.

Sa pagsakay naman sa train, kung gusto mong maupo paunahin mo muna ung ibang nasa harap mo hanggang mapwesto ka sa unang linya sa may papasok ng train. Dun ka na lang sa susunud na train, tyak ko mauupo ka na. Pero ‘wag kang magbabagal, at baka sa tagal ng inantay mo hindi ka pa maupo.

“Skipping train.” Alam mo ba yun? Kung lagi kang sumasakay ng MRT, tiyak alam mo yan. Ang skipping train ay isa o dalawang magkasunod na train na lalagpas ng North Edsa Station para duon magsakay alin man sa Quezon Avenue, GMA-Kamuning, o kaya naman ay Cubao station. Nakakainis kung iisipin mo pero kung pagninilayan mo, maiisip mo na mabuti naman ang hangarin nito. Kawawa naman ang nasa ibang estasyon, kung ang iintayin na lamang palagi ay ang train na punung puno na galing sa North Edsa. Be kind naman kung minsan! Huwag lang siguro nilang sasabayan ng skipping train kapag merun ako.. hahaha…

Nakaranas na rin ako na masiraan ng train. Wuah! Hirap lang! Isipin mo it’s between two choices: (1) Makikipagsapalaran ka para mag-intay ng medyo maluwag na train para makasakay ulit (sa dami nang nag-iintay masakay ka kaya?) o (2) Bababa ka ng estasyon at magbus o jeep na lang. Hirap mamili noh? Pareho kasing hindi maganda.

Whether comfortable or not, I still prefer to ride an MRT train. It is my choice, and it is for you to have your own.